header

soro

SIDC Coop Assurance Center, Inilunsad!

Mayo 14, 2011, pormal na inilunsad ang bagong proyekto ng kooperatiba ang SIDC Coop Assurance Center (SIDC-CAC). Maagang sinimulan ang motorcade na kaagad sinundan ng isang programa sa SIDC Petron, Balagtas kung saan matatagpuan ang tanggapan ng CAC. Naging panauhin si G. Roy S. Miclat, ang Life Division Manager ng Climbs. Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng SIDC ng serbisyo sa pagpapaseguro ay patunay lamang ng paglago ng koopertiba.

sidc-cac1Tulad ng binabanggit sa isang anunsyo sa radyo, ang SIDC-CAC aya nagbibigay serbisyo para sa life at non-life insurance. Kabilang sa non-life ang fire insurance at motor/car insurance. Kung nanaisin, maaari na ring makipag-ugnayan ang mga kasapi para sa emission testing at renewal ng rehistro sa Land Transportation Office (LTO).

Para naman sa life insurance, bukas na sa mga kasapi atkanilang kapamilya na may edad 18-69 ang SIDC Group Life Insurance. Sa halagang limang daang piso (Php 500.00) lamangbilang premium aya nakaseguro na sa loob ng isang taon ang bawat kabilang dito. Sa SIDC Group Life Insurance ay nakapaloob ang pnansyal na tulong na nakakahalaga ng 100,000 kung accidental death, P50,000 kung murder o unprovoked assault, at P25,000 naman kung due to natural causes. Mayroon ding para sa disablement at dismemberment. May nakalaan ding halaga bilang funeral assistance. Hindi man nais, tunay na napakalaking bagay kung ito ay mapapaghandaan.

Ilan pa sa mga klase ng insurance na hatid ng SIDC-CAC aya ang mga sumusunod: Home Assure, Coop Family Plan, Group Association Protection Plan, Group Protection Plan for Overseas Filipino Workers, Group Protection Plan for Security Guards, Group Protection Plan for Barangay Tanod, Coop Business Protector, Floaters Insurance, Surety Bond, Fire Insurance Cash Assistance for small to medium sized businesses, Student Group Accident Insurance Program, and Tricycle Driver and Passenger Accident Insurance Plan.

Para sa karagdagang impormasyon, maari po kayong magsadya sa tanggapan ng SIDC-CAC sa SIDC Petron Balagtas, Batangas City o tumawag sa bago nitong numero sa (043) 300-6944.

(Mary Grace G. Aceveda)