|
Sa awarding ceremony ay binigyang pansin ni Dr. Angelito Bagui na kinakailangang panatilihin ang kalinisan ng buong planta. Bahagi ito ng ISO Certification 9001:2008 na mapanatili ang kaayusan at kalinisan nang naaayon sa quality management system na nilalaman ng sertipiko. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng mga kawani ng SIDC Feedmill lalo na ng Core Group upang makamit ang ISO Certification. Umabot ng halos ay isang taon ang naging paghahanda. Kinailangan din ang pagdalo sa training o pagsasanay ng mga empleyado nang naaayon sa pagbuo ng magandang sistema ng kalidad ng pamamahala sa pagawaan ng pamakain. Ang ISO 9001:2008 ay isang sertipikasyon na nagpapatunay nang pagsunod ng SIDC sa pandaigdigang pamantayan o “international standard” sa paggawa ng pamakain sa hayop. by: Marifie B. Dimaano |